Mga madalas itanong (FAQ)

Overhead view of cool roof painting.
Ano ang mga pangunahing benepisyo ng mga cool roof?Anong uri ng mga gusali pinakamabisa ang mga cool roof?Magkano ang isang cool roof?Gaano tumatagal ang isang cool roof?Anong uri ng bubong maaaring ilagay ang mga cool coatings?Paano ko ikakabit ang cool roof?Saan ako makakabili ng mga cool roof coating?Paano ko malalaman kung aling cool roof coating ang bibilhin?Paano ko mapapanatili ang cool roof?Mayroon bang iba pang mga pagbabago na maaari kong gawin upang mapanatiling malamig ang aking gusali?Angkop ba ang cool roof sa isang klima na nakakaranas ng malamig na panahon?Nakakaapekto ba ang mga cool roof sa kalidad ng rainwater runoff?

Ano ang mga pangunahing benepisyo ng mga cool roof?

Ang mga cool roof ay pumipigil sa init ng araw na pumasok sa iyong gusali at tumutulong na alisin ang init na nasa gusali.

Kung wala kang air conditioning sa iyong gusali, ang cool roof ay makakatulong na mapababa ang panloob na temperatura ng 1-3°C. Makakatulong ito ng malaki sa pagpapabuti ng ginhawa at kalusugan. Kung ikaw ay nag-iisip tungkol sa pagbili ng air conditioning, ang mga pagpapahusay mula sa isang cool roof ay maaaring kumbinsihin ka na hindi mo kailangan ng isa!

Kung mayroon ka nang air conditioning sa iyong gusali, ang cool roof ay maaaring makatulong na mabawasan ang dami ng enerhiya na iyong ginagamit at mapababa ang iyong gastos sa enerhiya.

Anong uri ng mga gusali pinakamabisa ang mga cool roof?

Ang mga cool roof ay pinakamabisa sa 1-2 palapag na mga gusali at mga gusaling may malalaking bubong. Ang mga ganitong uri ng mga gusali ay madalas na kumukuha ng mas maraming solar energy mula sa bubong kaysa sa pamamagitan ng mga pader o bintana.

Ang mga tirahan, paaralan, klinika, at community centres ay kadalasang angkop para sa cool roof upang maging mabisa.

Magkano ang isang cool roof?

Ang halaga ng isang cool roof ay depende sa laki ng bubong at sa presyo ng paggawa at logistiks. Ang  benchmark cost ay nagkakahalaga ng  humigit-kumulang $5-15/m2 USD ng sukat ng bubong.

Pinakamabisa na maglagay ng cool roof bilang bahagi ng iyong normal na maintenance program. Isaalang-alang ang paggamit ng isang cool roof na produkto na waterproof din — maaari kang makatipid sa halip na magagastos mo sa isang hiwalay na pang-waterproof na produkto.

Ang mismong cool roof coatings ay maaaring nagkakahalaga ng humigit-kumulang $3/m2 USD ng sukat ng bubong. Ito ay depende sa laki ng lalagyan at sa coverage rate ng pintura, o kung gaano kalaki ang bubong na maaari mong lagyan ng 1 litro. Magiiba ang coverage rate para sa bawat uri ng coating at depende sa kung anong materyal gawa ang bubong — kung kongkreto ang ibabaw ng bubong, maaaring 1 m2/L, ang coverage rate, ngunit maaaring mas mataas ito ng kaunti kung metal. Ang coverage rate ay depende din sa kung gaano karaming mga coats ang kailangan upang makamit ang isang tapos na coating.

Makipag-ugnayan sa mga manufacturer ng produkto at suriin ang anumang mga data sheet ng produkto para sa higit pang impormasyon tungkol sa presyo at mga coverage rate ng isang partikular na produkto.

Gaano tumatagal ang isang cool roof?

Ang tinatagal ng isang cool roof ay depende sa kung aling produkto ang pipiliin mo at kung gaano mo pinapanatili ang cool roof pagkatapos itong mailagay. Ang ilang mga produkto ay tumatagal ng tatlong taon, habang ang iba na mas mahal ay maaaring tumagal ng hanggang 20 taon. Masasabi sa iyo ng manufacturer ng produkto ang tungkol sa inaasahang tibay nito at kung paano ito maayos na mapanatili.

Ang bisa ng pagpapalamig ng isang cool roof ay bababa sa paglipas ng panahon. Maaaring nakalagay sa data sheet ng produkto ang paunang bisa  nito at bisa pagkatapos ng tatlong taon. Kabilang sa mga salik na nagpapababa ng bisa ng cool roof ay ang dumi o mga halamang tumatakip sa ibabaw ng bubong, pagkasira mula sa pagkakalantad sa ultraviolet light at mga taong naglalakad sa bubong at iba pa.

Anong uri ng bubong maaaring ilagay ang mga cool coatings?

Ang mga cool roof coating ay maaaring ilagay sa pinakakaraniwang uri ng bubong kabilang ang kongkreto, metal, fiber cement, at marami pang iba. Ang ilang uri ng bubong ay mangangailangan lamang ng isang coat ng cool roof na materyales habang ang ilan ay mangangailangan ng dalawa. Ang ilan ay maaaring mangailangan ng panimulang coating gamit ang ibang produkto. Siguraduhing humanap ng produkto na angkop sa iyong bubong at direktang makipag-ugnayan sa manufacturer para sa mga tagubilin o kung mayroon kang anumang mga katanungan.

Paano ko ilalagay ang cool roof?

Siguraduhing sundin ang mga ligtas na kasanayan kapag nagtatrabaho sa bubong.

Sumangguni sa mga tagubilin ng manufacturer para sa partikular na produkto at uri ng bubong para sa iyong paglalagay. Ang paglalagay ng cool roof ay hindi nangangailangan ng mga mamahaling espesyal na kagamitan. Malamang na kakailanganin mong linisin ang bubong sa anumang mga dumi, ayusin at takpan ang anumang mga bitak, at pagkatapos ay ilagay ang primer o cool roof coating gamit ang brush o iba pang kagamitan. Sasabihin din sa iyo ng mga tagubilin ng manufacturer ang mahahalagang detalye tulad ng bilang ng mga coat na kailangan ng produkto, ano ang dapat na temperatura sa labas upang makapagpintura at gaano katagal maghihintay kung umulan kamakailan.

Saan ako makakabili ng mga cool roof coating?

Ang mga cool roof coating ay maaaring makuha mula sa supplier ng mga pintura para sa tirahan, komersyal, o pang-industriya na gamit. Ang mga ito ay gawa ng maraming mga manufacturer at maaari ring mabili sa pamamagitan ng mga e-commerce websites.

Ang Cool Roof Rating Council ay nagpapanatili ng direktoryo ng mga cool roof na produkto. Tingnan dito upang makita kung pamilyar sa iyo ang anumang mga brand at mga nagbebenta ng mga produkto na malapit sa iyo.

Paano ko malalaman kung aling cool roof coating ang bibilhin?

Tiyaking makakahanap ka ng produkto na angkop sa materyal ng iyong bubong. Tanungin ang manufacturer ng produkto kung mayroon kang anumang mga katanungan.

Mahalagang isaalang-alang ang mga bagay tulad ng bisa, tibay, halaga, at kadalian ng paglalagay. Pumili ng produkto na nagbibgay ng kumbinasyong angkop para sa iyong mga pangangailangan. Kung gusto mong gumamit ng cool roof na produkto bilang isang waterproofing layer, siguraduhing makahanap ka ng isang produkto na sertipikado ng manufacturer para sa layuning ito.

Ang bisa ng cool roof ay karaniwang nasusukat gamit ang solar reflectance (o reflectivity) at thermal emittance (o emissivity). Ang mabisang cool roof ay magkakaroon ng mataas na solar reflectance (>70%) at mataas na thermal emittance (>75%). Minsan maaari mong makita ang mga ito na pinagsama sa isang numero na tinatawag na Solar Reflectance Index (SRI), kung saan ang pinkamabisang cool roof ay magkakaroon ng mataas na SRI (>82).

Paano ko mapapanatili ang cool roof?

Siguraduhing sundin ang mga tagubilin ng manufacturer para sa iyong napiling cool roof na produkto. Ang pagpapanatili para sa isang cool roof ay katulad ng pagpapanatili para sa iba pang mga coatings sa bubong. Kakailanganin mong panatilihin itong malinis, suriin at ayusin ang mga bitak, at maglagay ng bagong coat lagi.

Mayroon bang iba pang mga pagbabago na maaari kong gawin upang mapanatiling malamig ang aking gusali?

Maraming mabisa at murang paraan para mapanatiling malamig ang iyong gusali. Ang mga cool roof ay mabisang gumagana sa kumbinasyon ng alinman sa mga pamamaraang ito.

Kung ang iyong gusali ay naka-air condition, ang pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin ay siguraduhin na ito ay insulated ng maayos. Unahin ang insulation sa ilalim ng bubong (o ang kisame kung mayroon kang air cavity), pagkatapos ay i-insulate ang mga dingding.

Kung hindi naka-air condition ang iyong gusali, maglagay ng mga blinds o takip ang bintana sa labas ng gusali para hayaang takpan ng mga tao ang mga bintana kapag masyadong mainit ang araw. Ang pagbabagong ito lamang ay makakabawas sa temperatura ng silid ng 10°C! Subukang pataasin ang bentilasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana o paglalagay ng mga portal sa itaas ng mga bintana o pintuan upang hayaan ang daloy ng hangin sa ibabaw ng gusali. Kung nakatira ka sa isang lugar na ang klima ay karaniwang mainit, huwag mag-install ng insulation — iniipon nito ang init sa loob ng gusali at hindi ito magiging mas komportable. Kung nakatira ka sa lugar na ang klima ay minsan malamig, ang insulation ay makakatulong na panatilihing mainit ka sa malamig na panahon ngunit maaaring hindi maging komportable ng kaunti kapag mainit na panahon.

Angkop ba ang cool roof sa isang klima na nakakaranas ng malamig na panahon?

Oo, maliban kung ang klima ay malamig sa buong taon. Ito ay totoo para sa mga gusali, mayroon o wala man silang mekanikal na pagpapainit at pagpapalamig.

Sa isang malamig na panahon, ang isang gusali na may cool roof ay magiging bahagyang mas malamig kaysa sa isang gusali na walang cool rooof, na maaaring magpapataas ng hindi kaginhawaan o mangangailangan ng karagdagang pag-init. Ito ay tinatawag na "winter penalty". Gayunpaman, ang mga benepisyo na ibinibigay ng cool roof sa mainit na panahon ay mas highit kaysa sa 'winter penalty'. Ito ay sa kadahilanan na sa malamig na mga panahon, ang araw ay bihira sa kalangitan at nasa mas mababang mga anggulo, kaya wala itong gaanong epekto sa temperatura sa loob ng gusali. Samakatuwid, hindi rin ang cool roof.

Nakakaapekto ba ang mga cool roof sa kalidad ng rainwater runoff?

Kung ang isang magandang kalidad na cool roof na produkto ay angkop sa ibabaw ng bubong at maayos na nailalagay at napapanatili, hindi ito dapat makaapekto sa kalidad ng runoff mula sa bubong.

Gusto mo bang matuto pa?

Mga karagdagang sanggunianMedia at contact